(Cross-post:
Bellpepot)

Jogger workout. Monday, Wednesday, and today, I've been jogging from the entrance of Marcelo Green Village, Parañaque, to the South Superhighway's Bicutan exit, in fear that I might be late for my philosophy class. I hate this workout; I'm not sure about this count, but I cross at least five cities (that is, Parañaque, Makati, Pasig, Mandaluyong, and Quezon) on my way to school everyday.
Smoking over-sized cigars. Nagsasawa ba ako sa mga usok na nalalanghap ko sa daan araw-araw? Malamang hindi. Parang puke na ng pokpok ang baga ko, kung saan-saan na galing ang mga usok na nakapasok dito; tuwing umaga at hapon (o gabi) na lang ang usok ng trapik sa Bicutan, Magallanes, Ayala, Buendia, Boni, Guadalupe, Shaw Boulevard, Ortigas, Santolan, Cubao, Anonas, at Katipunan. Putang ina, sino pang may karapatang magbawal sa aking magyosi? Di niyo lang alam na hanggang ngayon ay may naaamoy akong usok; nasa loob ako ng air-conditioned laboratory pero wala nang malinis na hangin para sa akin.
Okay, so I may be exaggerating a bit, since I've been taking my "train route" consistently for a week now, but it still doesn't change the fact that having to go this distance everyday is so tiring.
Tired. Napagod ako kahapon - bagsak agad ang katawan ko pagkauwi ko. Hindi ko na nga natagpo yung
kaibigan kong niyaya ko mag-Glorietta. Hindi ko minsan maintindihan kung ano ang pipiliin ko: dibersyon o pahinga? Siguro nga, mas dapat piliin ang dibersyon kung hindi naman ito nakakapagod. Iyon nga lang, kahapon ay masyado na akong pagod upang masulit ang lakad.
Ang naudlot na lakad. Hindi na rin ako matutuloy sa UP Fair dahil tinatamad na ako at hindi na rin puwede si Vanes. Wala rin naman doon ang kahit ano sa mga bandang inaasahan kong maabutan (
Urbandub,
Narda, o
Bamboo). Maghahanap pa ako ng lakad mamaya. Kailangan ko ito ngayon para maiba naman; kalahati ng kalahati ng buwan na akong nababaon sa problema.
Freak show. Kinausap ako ng teacher ko kanina sa calculus. Ganito yung naging usapan namin:
Bautista: Judd.
Judd: Bakit po?
Bautista: Anong balak mo sa buhay mo?
Judd: (Pakshet, ano ito?) Huh?
Bautista: Anong balak mo sa buhay mo? Balak mo pa bang mag-aral?
Judd: (Alam kong suicidal ako, pero ano bang mga tanong ito?) Yes, ma'am. Nag-aaral naman po ako eh.
Bautista: Eh bakit apat na long test mo na ang 'F'?
Judd: (Nakaapat na ba akong bagsak?) Huh?
Bautista: Hindi ba 'F' ang standing mo dito?
Judd: Hindi po. (Pero bagsak yung huli kong exam, di ba?) Pasado naman po yung standing ko nung huling advisory niyo.
Bautista: Ah hindi ba? Baka nagkamali lang ako dun sa pagtingin sa record ko. Basta sa susunod na long test mo galingan mo.
Judd: (Gugulatin kita sa resulta para hindi mo ako napagkakamalang bagsak.) Yes, ma'am.
Bautista: Promise mo yan.
Judd: (Oo nga.) Promise po!
It was a mistake on her part, but I needed that pressure. Calculus, bring it on.
KC wanted to fly. Went to Kythe's kite-flying event with KC, Jommel, and Vince. For fifty pesos, I was given a kite and had access to as much squid ball, ice cream, and gulaman as I wanted. Needless to say, I pigged out at the event and had twenty-three squid balls, two ice cream cones, and three glasses of gulaman. And I got to fly a Pikachu kite. Macho.
Sid Meier. Still playing Civilization II. Maybe I should dump it and go for the next installment, or at least advance with Alpha Centauri. Unfortunately for me, that second alternative does not seem to want to work with my computer. Anyway, I've just switched my government type from Democracy to Fundamentalism. Apparently, the computer wasn't satisfied with the way I've been handling my military.
[*] (Oh we're sinking like stones, all that we've fought for. Homes, places we've grown, all of us are done for. But we live in a beautiful world. We live in a beautiful world, oh we do.)
Wala nang saya. Pagod na ako. Tapusin na natin ito.

Mandy Moore

Coldplay - Don't Panic