J. Pudong's Gin+Ponkan.

My Categories

your name:

url:

your message:

Entries for July, 2004

July 12th, 2004

Muling Nagbibilang Ng Oras.

Posted by jpudong at 02:03 AM on July 12, 2004.



Isang buwan.

Nais kitang pasalamatan para sa lahat: sa magagandang pagbabagong idinulot mo, sa mga tawa't suliraning pinagdaanan natin, at sa di ko mabilang na mga bagay, masaya man o nakakakaba, na sinindihan mo't ngayo'y nagliliwanag sa pagitan nating dalawa; maraming maraming salamat.

Hindi ko talaga inasahang magiging ganito ang lahat.

Isang buwan. Ilang buwan, ilang araw, ilang mga oras pa ba ang nalalabi para sa ating dalawa? Hindi ko na gustong hulaan; hindi ko gugustuhing lagyan ng tuldok ang ligayang ito.

Isang buwan.

Higit pa ito sa una kong pinangarap. Salamat, Mai. Mahal na mahal kita.



Eraserheads - Hard To Believe
Narda - Suwerte

8 tagay.