Muling Nagbabalik.
Posted by jpudong at 11:00 PM on September 3, 2004.
Buhay pa ako, mga ungas! Mahirap patumbahin ang masasamang damo, lalo na kapag armado ng GBlue! Ito na ang bago't pinagandang JPudong's Gin+Ponkan!
May mga panahong magsasawa ka talaga sa lasa ng WowPonkanjuice! - masyadong matamis, masyadong masaya. Sa Gin+Ponkan, oo nga't masaya pa rin, pero oo na tamisan lang! Walang tama... wala!
Humihingi ako ng dispensa sa mga nasalanta ng aking kawalan ng balita, kahit na matindi ang tiwala kong maliit na tuldok lamang ako - tulad nga ng sinabi sa akin noon ni Ginoong Mariano sa klase namin sa Pilosopiya ng Tao, "Tuldok ka lang! Akala mo magaling ka, pero tuldok ka lang!" - na, sa kahit papaanong paraan ay akin pa ring pinaniniwalaan tulad nang paniniwala kong hindi gaanong mahalaga para sa pang-araw-araw ninyong pamumuhay ang pagsasalaysay ko ng mga kaganapan sa aking buhay at ng mga balita tungkol sa mga tao sa aking kapaligiran.
At heto nga, tulad ng dati, buhay na buhay pa akong dumudungis sa larangan ng kontemporaryong pakikipagpalitan ng mga salita't impormasyon habang taimtim, tahimik, at mabagal na nagwawala sa munti kong kuwarto.
Maghuhugas pa ako ng paa. Text-text nalang mamaya.

Thelonious Monk - It Don't Mean A Thing (If It Ain't Got That Swing)